ONLINE CLASS
Lahat tayo ay nahihirapan sa online class, at karamihan, puro negatibo ang ating nababasa sa Internet patungkol dito. Tunay nga ba na walang silbi itong Online class na ito ayon sa iba? At puro na lang ba hirap ang dala nito sa mga estudyante? Sa aking pananaw ay oo, talaga nga namang mahirap ito, sa estudyante, magulang at lalo na sa mga guro ngunit hindi natin masasabi na ito'y walang silbi dahil walang natututunan ang mga estudyante. Para sa akin,nasa estudyante pa din ang desisyon kung gusto niya matuto o hindi dahil kaya nating matuto basta't may tulong ngunit hindi tayo matututo kung patuloy tayong aasa sa mga guro at hindi natin tutulungan ang ating sarili. Bilang estudyante na nakararanas din ng Online Class masasabi kong may magandang epekto din ito dahil simula ng nangyari ito ay hindi ko na kailangan pang gumising ng ganoon kaaga kumpara sa normal na pasok at mas nabibigyan ako ng mahabang oras na tapusin ang mga aktibidad at gawain na ibinababa sa amin. Dahil dito ...