ONLINE CLASS
Lahat tayo ay nahihirapan sa online class, at karamihan, puro negatibo ang ating nababasa sa Internet patungkol dito. Tunay nga ba na walang silbi itong Online class na ito ayon sa iba? At puro na lang ba hirap ang dala nito sa mga estudyante?
Sa aking pananaw ay oo, talaga nga namang mahirap ito, sa estudyante, magulang at lalo na sa mga guro ngunit hindi natin masasabi na ito'y walang silbi dahil walang natututunan ang mga estudyante. Para sa akin,nasa estudyante pa din ang desisyon kung gusto niya matuto o hindi dahil kaya nating matuto basta't may tulong ngunit hindi tayo matututo kung patuloy tayong aasa sa mga guro at hindi natin tutulungan ang ating sarili.
Bilang estudyante na nakararanas din ng Online Class masasabi kong may magandang epekto din ito dahil simula ng nangyari ito ay hindi ko na kailangan pang gumising ng ganoon kaaga kumpara sa normal na pasok at mas nabibigyan ako ng mahabang oras na tapusin ang mga aktibidad at gawain na ibinababa sa amin. Dahil dito din ay mas nagiging maayos ang aking gawain dahil nagagabayan ako ng aking mga magulang at kapatid sa pag gawa ng mga gawain. Isa pa mas nagiging organisado ang aking mga gawa dahil hindi na kailangan pang masyadong mag sulat.
Ayan ang aking karanasan at sana'y inyong tandaan na hindi masama ang humingi ng tulong sa mga nakaaalam ngunit tandaan din natin na hindi laging may magtuturo sa atin at sa buhay kailangan din nating gumalaw para sa sarili natin at matuto para sa atin din. Matututo at matututo tayo kung patuloy tayong lalaban at gagawin nating inspirasyon ang hirap na ating nararanasan upang maabot natin ang ating pangarap.
kapagod ol class gagi, am so tireddd
ReplyDeleteto the point na nakakaguilty magpahinga
Ouch-
DeleteOuch
DeleteHays kakapagod anyways thanks po for this <3
ReplyDelete